Kurt Grunger

iceswerock:

kezyah:

JAMMING NIGHT WITH AUDRY AND CAREN OF GeneralLUNA

haaays…sobrang haaays…sa tagal ng paghihintay at KABA atlast natapos rin ang jamming session kagabi with ate audry and ate caren :))

nung una talaga kabado ako e kasi ba naman..HELLO WORLD general luna kaya un tas makikijam sa amin…kung may bhay lang ako parang yung sa pagong hindi na ko lalabas run :))

late na rin kami nagstart..dapat 6pm kaso…hangtrapik talaga e..nag-syaping pa kami for ate audry’s inaanak. sobrang wala kaming ka-idea idea ni Ices kung anu okay e. pero salamat sa ateng sales lady at nakapili rin.

Pagdating namin ng tremolo..syempre bakas sa loob ng studio ang excitement nila kuya glynn at josh..(charing..mga tulala kasi e)

ate audry is a good example of a good band manager (ui nagpaparinig.ehem ehem) sinamahan niya talaga kami mula simula hanggang sa chibugan. Tinuruan pa kami kung panu tugtugin ang FAVORITE KONG SONG. favorite ko talaga hahaha “wala kang sagOOOOOOOOT”

superhero to the rescue naman ang dating ni ate caren…kahit busy nagkaron pa rin ng time ituro kay kuya glynn ang mabagsik na lead part. habang nagtuturuan sila kami naman ay nakanganga(o ako lang?) hanggaling kasi..

flattered buong banda ng kezziah sakanila..SOBRANG BABAIT wala na ko maidescribe pang iba bukod sa mababait at magagandang likha ng Diyos…I always admire these kind of people na nasa tugatog na ng tagumpay and yet nagkikisama pa rin sa mga nagsisimula palang…sabi nga sa Bible Humble yourselves before the Lord, and he will lift you up. James 4:10

kulang ang isang gabi para makasama sila..but alam ko sobrang kumpleto araw ni jason,pati wik at pati buwan niya..gusto pa namin silang kulitin..kaso mukha man silang dyosa pero tao lang din sila..napapagod din…until nextime ! sana kumpleto na sila hehe…para one-on-one ang turuan (gulp!kinabahan ako sa sinabi ko) hopefully makapiling ulit namin sila sa oct22 :) SOBRANG SALAMAT MARAMING MARAMI :D

AMEN!!!